Isang tanghali, may kailangan akong tawagan. E walang telepono sa bahay, kaya naman kinakailangan ko pang lumabas at maghanap ng payphone. May nakita naman ako sa tapat ng eskinita. Kaya nga lang sila lang sila lamang ang maaring mag-dial ng numero sapagka't masyadong maliit ang daan para magkasya ang kamay ko o ang kaha ng telepono. Kaya hayun, pinadial ko na lamang ang numero. Binigay ko yung unang set ng numero, dinial niya, kaya lang busy. Binigay ko yung isa pa, kaya lang busy din. E nahiya naman na akong ipaulit pa kaya nagpasalamat na lang ako at naghanap ng iba. Minsan naiisip ko na ang street namin at ang barangay namin ay hindi sibilisado. Kasi naman, iilan lang ang computer shop at wala pa silang mga printer. Pati payphone, pili lang ang tindahang mayroon.
Hayun na nga, naglakad na ako, nilibot ang buong street namin para lang maghanap ng payphone. Kaya lang may problema, di pa pala nakakaalis si Juan, kaya hayun, umuulan, ang lakas-lakas ng ulan. May isa pa palang problema, di ako nagdala ng payong. Di ko naman kasi nakaugaliang magdala ng payong kapag lumalabas, kahit na ba alam ko pang umuulan.
Habang naglalakad ako, tanong ko sa sarili ko, "Bakit kaya iba ang ginaw na nararamdaman ko?" Saka ko naisip ang sagot sa tanong ko, nilalagnat pala kasi ako kahapon, lalo na kagabi. nakalimutan ko pala na may sakit ako. Kaya pala kakaiba ang lamig, nakakaramdam ako ng panginginig at panghihina. Pero di ko na nagawa pang umatras, andun na kasi ako e, nabasa na ko, nilalamig na ko, bakit pa ako aatras, kaya naman tiniis ko na lang. Kasi sa kabila ng ginaw at panghihinang narraamdaman ko, nakakaramdam pa rin ako ng ginhawa at saya habang naglalakad ako sa ulan. Nakakatawa, natatawa ako sa sarili ko. Natatawa na lang ako sa kalabuan ng nararamdaman ko.
Ganito naman kasi talaga ako, malabo, magulo. Pag nakaramdam na ako ng kaunting kaginhawaan pagkatapos ng sakit, sumusugod na ulit ako. Sa ulan man ito o sa hirap ng trabaho. Sabi ng mga tao masokista daw ako. Pero anong magagawa ko e dun ako magiging masaya. Ayoko namang pigilin ang sarili ko sa mga bagay na makakapagpasaya sa akin.
Parang pag-ibig lang yan, minsan, kapag sobra ka ng nasasaktan, sasabihin mo sa sarili mo, "susuko na ko." Hindi ka na gagawa ng anumang bagay para sa taong tinitibok ng puso mo. Pero unti-unti mong marerealize na hindi ka pa pala tuluyang sumusuko, nagpahinga ka lang sandali. malalaman mo sa sarili mo na sa oras na mabawasan na ng kahit kaunti ang sakit nararamdaman, susugod ka nang muli. Babalik ka naman sa pangangarap na mahalin ka rin ng taong mahal mo, at minsan, di ka lang basta-basta nangangarap, kundi gumagawa ka rin ng paraan para matupad ang pangarap mo. Minsan nga nabubuhay ka pa sa ilusyon ng iyong mga pangarap. Masakit, pero masarap. Nakakaramdam ka ng tamis sa gitna ng hirap. Ganun naman kasi ata talagakapag nagmamahal, may ngiti at ligaya sa gitna ng sakit na nararamdaman. lalo na kapag ikaw yung tipong in-denial sa mga bagay bagay. harapan ka na ngang pinagmumukhang tanga, go ka pa rin. Sabagay, there is no play safe in love, in it, you're always on the danger zone; you're aware of the danger, but you are still taking the risk of being hurt, because in pain, you can feel the joy that you always long for.
Nung pabalik na ako ng bahay, may nakasalubong akong bata, hindi ko siya kilala, nakapayong siya kasama ng isa pang bata. Ngumiti siya sa'kin sabay sabing, "Ate, ang lamig-lamig nagpapaulan ka, di ka pa nagdadala ng payong." Nagulat ako, pero napangiti na lang din ako sa kanya. naisip ko bigla na marami akong kaibigan na nagpapaalala sa'kin na kapag nagmamahal daw ako, kailangang handa daw ako, huwag na huwag ko raw basta-bastang susugurin ang sakit na dulot ng pagmamahal. Magdala daw lagi ako ng panangga sa sakit, parang payong. Sabi nila, magtira daw ako ng para sa sarili ko. kaya lang matigas ang ulo ko, di ko sila sinusunod, kasi pag nagmahal ako, gusto laging all out, kaya hayun, all out din pag nasaktan ako. Nakakatawa lang kapag iniisip. Pero sabi ko nga, may sarap na nararamdaman sa gitna ng hirap at sakit. Ayoko kasing mamuhay na iniisip ang mga what-ifs kapag ginawa ko o binigay ko ang mga bagay na kaya ko namang gawin at ibigay.
About Me
- coffeelover
- I am a simple lady with an extra-ordinary personality. Often misunderstood, but all I can say is I am who I am. I want to be loved because of who I am.
Blog Archive
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment