About Me

My photo
I am a simple lady with an extra-ordinary personality. Often misunderstood, but all I can say is I am who I am. I want to be loved because of who I am.

Sunday, September 5, 2010

ILAW

Minsan nakaupo ako sa sala.
Nag-aaral, nagbabasa, nagsusulat,
Habang ang ulan ay bumubuhos ng napakalakas,
Nagliliparan ang mga bubong,
Nagsisiawitan ang mga aso sa haliw ng buhos ng ulan,
Sumasayaw ang puno kasabay ng malalakas na hangin.
Habang ang lahat ay nagkakagulo sa labas,
Unti-unti namang kumikislap ang ilaw sa loob ng bahay,
Kumikislap-kislap hanggang sa ito ay mamatay.
Buti na lang at naiayos ko na ang lahat ng gamit ko sa baba,
Buti na lang at napaghandaan ko na.
Kaya naman hindi ko na kinakailangan pang mangapa sa kadiliman ng paligid.
Ayos na e, handa na ko sa pagkamatay ng ilaw.

Bigla ko tuloy naalala na minsan,
Bumaba ako
Para magsulat at magbasa.
Nakakalat lahat ng gamit ko sa mesa,
Pinindot ko yung isang switch,
Di ko naman kasi namalayan na wala dun yung bulb,
Kaya hayun, pumutok.
Kasabay nang pagputok nito ay namatay lahat ng ilaw,
Nawalan nang kuryente ang buong baba ng bahay,
Sumisigaw ako, tumatawag ng tulong sa mga nasa taas,
Kaya lang tulog na sila,
Di na nila ko naririnig,
At kung marinig man nila ko,
Wala na rin silang magagawa,
Kasi naman hindi din nila alam paano haharapin ang nangyari.
Hayun, nangangapa ako sa dilim
Habang inaayos ko ang nakakalat kong gamit.
Ang hirap pala,
Ang hirap na wala kang nakikitang liwanag
Habang inaayos ang mga bagay-bagay na nagkalat,
Nasanay kasi ako na smooth flowing ang lahat e.
Wala namang ulan, wala namang malakas na hangin,
Kaya hindi ako nabahala.
Hindi ko inaasahan ang pangyayari,
Kaya naman nagsisisi ako,
Sana habang nung may ilaw pa inayos ko na lahat.
Hindi kasi ako sanay sa biglaan,
Unti-unti na lang sanang nawala ang ilaw
Na nagbibigay liwanag at buhay sa mumunti kong pangarap.

Hindi ako sanay sa biglaan, unti-unti na lang sanang nawala. Sana lahat ng bagay ay dahan-dahan, para napaghahandaan itong mabuti. Para naman alam mo kung ano ang gagawin mo kapag dumating ka na sa mga sitwasyon na kinakailangan mong harapin sa buhay. Para naman hindi masyadong mabigat at mahirap ang lahat. Para hindi ka nangangapa sa kadiliman. Para lagi kang HANDA. Para HINDI ka MASAKTAN, masaktan ka man, ang mahalaga, handa ka.

No comments:

Post a Comment