About Me

My photo
I am a simple lady with an extra-ordinary personality. Often misunderstood, but all I can say is I am who I am. I want to be loved because of who I am.

Monday, September 27, 2010

Writer Part II

Yung first time, hindi naman talaga siya magaling magsulat o di nga rin siya gaanong mahilig magsulat, pero nagsusulat siya every once in a while, di ko lang alam ngayon, baka nagsosolve, oo. Though writing is not his real forte, he’s into science, math, and the likes. The things that I dislike most, we don’t speak the same language, actually, hanggang ngayon, pag naguusap kami may mga times na hindi kami nagkakaintindihan. AB and BS kasi. Pero we find a way to understand each other. He’s teaching me his language (hindi literal na pagtuturo ah, explanation lang pag wala na talaga kong maintindihan), though minsan nabobore ako, pero kahit papaano naman, marami akong naaadapt, marami akong natututunan, I’m even using it pa nga in my daily conversation with other people e. He’s one of the best friends that I’ve ever had. He’s my ex-boyfriend, my first boyfriend. I’ve met him at our first day of high school. He’s an old student of our school and I’m a transferee. I vividly remember our first meeting. He was patiently waiting for me at the gate of the school together with his childhood friend that I’ve met the summer before the school year. Then, his childhood friend introduced us, since then, we became friends, close friends, and even best friends. After two months of getting to know each other and becoming friends, he courted me for another two months, and on the 6th day of October 2004, at our early age of 13, we became “lovers”. Ang landi no? Ang bata-bata lumalandi. Haha. Naalala ko pa yung tulang ginawa niya nung “best friends” palang kami. Eto yung excerpt, di ko na masyadong memorized e:

“The Girl of My Dreams”
The girl of my dreams
Appeared in my sleep.
She was so beautiful from tip to tip
When she passed by,
I did weep.


Haha. Di ko na talaga maalala. Anyways, sa pagkakaalala ko maganda yung buong content e, kasi pati supervisor (adviser) namin napabilib niya diyan.

We’ve been through thick and thin (literally and figuratively). Ang pag-iibigan or should I say paglalandian namin noon ay against all odd. Di ko na lang i-eelaborate, masyadong mahaba. Basta ang alam ko 2 days bago ang 10th month anniversary namin, nagbreak kami. Bakit? Isa lang ang explanation na lagi kong sinasagot diyan sa tanong na yan, due to insistence of public demand. Hayun, kayo na lang ang bahalang umintindi diyan sa explanation ko. Hehe.

Pero kahit bata pa kami niyan, alam ko sa sarili ko na minahal ko siya, hindi lang yung basta-bastang puppy love. Yung how we handle things and the situations, alam kong dun kami naging napaka-immature. Aminado ako dun.

After a year or two sabi niya sa’kin, isa lang daw ang regret niya sa naging relasyon or sa naging ending ng relasyon namin, sabi niya, “pinagsisisihan ko na hindi kita pinaglaban.” Nung panahon na naririnig ko yang mga salitang yan mula sa bibig niya, grabe yung kurot na nararamdaman ko sa puso ko. Ang sakit sobrang sakit, kasi nung mga panahon na yun, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya. Alam ko na hindi ko pa kayang magmahal ng iba. Graduate na kami sa high school nung mga panahon na to. Bale 3 years na ang nakakalipas. Oo, 3 years na ang nakalipas pero mahal ko pa rin siya. Actually, hindi lang ako 3 years nagmove-on, for another 2 years ramdam kong mahal ko pa rin siya. To sum it up, 5 years akong nagmove-on. At sa loob ng 5 years na yun, nagkaroon na ko ng maraming fling at dalawang boyfriend. Oo, nagka-boyfriend na ko nun, isang 1 month (pero I still consider him as boyfriend) at isang 1 year and 5 months (dito, sobrang naguilty ako sa kanya, kasi naka-1 year and 5 months kami na hindi man lang tunay at buo ang pagmamahal ko sa kanya, he’s a great person at wala kang pintas na maibabato sa kanya kasi sobra niya kong minahal at napakabait niya, ngayon nga I wonder kung kamusta na kaya siya, I want to see him again, it’s been 6 months since we last saw each other). Hmmm. Balik na tayo kay first boyfriend. Nung nagbreak kami, mas lalo kaming naging close. Haha. Ang labo no? Pero ganun talaga e. Kaya nga narealize ko na we’re better off as friends. At least ngayon, wala na kaming bitterness na nararamdaman sa isa’t isa,I can say, pero ewan ko sa kanya, siguro naman wala. Haha.

Until now, we see each other, we go out together, we chat, we text, we talk, and update each other about our own lives every once in a while. Pinagalitan niya pa nga ko nung minsang uminom ako kasi di ko kinaya yung depression na nararamdaman ko dahil sa isang kaibigan na nagawan ko ng napakalaking kasalanan. Sabi niya sa’kin nung tipsy ako, “di naman sa pinagbabawalan kita o sinasabi ko na mali yung ginawa mo, pero sana hindi ka umiinom pag may problema ka or pag malungkot ka, pano kung mapahamak ka.” Sabi niya sana daw iba na lang daw ginawa ko, kumain, nag-coffee, nanuod ng sine basta wag lang daw ako uminom. Kaya hayun, kinabukasan, nanuod kami ng Despicable Me sa Gateway. I had fun being with him, ramdam ko pa rin ang security kapag kasama ko siya, kaya lang di niya na kaya pang punan yung emptiness at longing na hinahanap ko sa isang tao (alam ko naman kung sino ang may kakayahang pumuno nun, pero I doubt kung may balak akong hingin yun sa taong yun). Now I can say, I don’t love him, like I did yesterday. Napatunayan ko sa sarili ko na nakamove on na talaga ko sa kanya. Masaya naman kami sa set-up ng relasyon namin ngayon e. Thankful pa rin ako ng mabuti kaming magkaibigan, mula pa nung una kaming magkakilala.

Itutuloy.. Di siya yung main character e.

No comments:

Post a Comment