Ayokong humawak ng papel, ng bolpen, ng cellphone, ng computer, o kahit na anong klase ng panulat. Bakit? Kasi ayokong magsulat. Ayokong magsulat kasi ayokong mag-isip. Kaya lang anong magagawa ko? Di kayang huminto ng utak sa pag-iisip. Sana may paraan na lang para hindi makapag-isip. Sana, pag nagpapahinga ang katawan, kaya ring magpahinga ng utak, yung wala kang maiisip, kahit ano, sana may ganun, kaya lang wala e.
So eto ako ngayon, di mapigilang mag-isip, at lalo nang magsulat. Pag nagsusulat kasi ako may naaalala ako.
Dati huminto na ‘kong magsulat, inabandona ko siya dahil may mga nangyari, complicated masyado. Pero ano kinuha kong course—Journalism—peryodista, manunulat. Ang labo. Ayoko na ngang magsulat pero eto pa rin kinuha ko. Siguro kasi, di ko maiwan ang first love ko.
Pero nung moment na nagdesisyon akong magjoujourn ako, kinundisyon ko na ang sarili ko na magsstraight writing lang ako.
Literary? Matagal na kitang iniwan. Kaya nga kahit pumasa ko sa second choice ko, which is Literature ay di ko siya kinuha, though tempting siya ah. Ayoko na kasi ng writing which involves emotion, creativity, passion, and the like. Pero tanga ko! Di ko man lang naisip na di ako makakawala, kahit ba Journalism is stereotyped to write objectively, stereotype nga lang siya. Hinding hindi ako makakawala sa literary writing, at least minimized lang siya; ‘di dun iikot ang writing career ko.
Pero there is one truth that I can never deny. I can still easily fall for good writings. And then I realized one thing, if you will get to know the one behind the writing, mas madali ka pa lang maiinlove sa writer more than their writings. Tsk. Bakit ba hindi ko binalaan yung sarili ko? Di ko kasi alam na may ganung klaseng setting pala ang buhay. Oh yes, I fell in love with a writer. First time? I don’t think so; it’s not the first time.
Itutuloy ko pa to…
Ipapakilala ko sila.
About Me
- coffeelover
- I am a simple lady with an extra-ordinary personality. Often misunderstood, but all I can say is I am who I am. I want to be loved because of who I am.
No comments:
Post a Comment